Monday, June 8, 2015

DEFINE FIRST DAY OF CLASSES (JUNE 08, 2015)

(I will type this one with my native language which is Filipino and maybe some bits of English)

Ang araw na ito ay hindi ordinaryong araw, unang araw ng aking pag-aaral sa Sintang paaralan, Polytechnic University of the Philippines.

Sa totoo lang hindi ako nakatulog kaya't maaga akong nag-ayos at kape lamang ang aking umagahan.

Sa kabila nito ay sobrang trapik mula sa bahay papuntang araneta, pagdating dito ang haba pa ng pila papuntang sta. mesa. pagdating sa sta. mesa hindi ka makakasakay ng jeep na papuntang stop and shop kung di ka marunong makipagunahan at sumakay habang umaandar pa ang jeep. 

Pero Oo, nakarating ako ng Main ng buo pa, kahit tapos na ung flag ceremony okay lang kasi sa totoo lang hindi nman sa Main ang aking mga klase haha.

ah nakita nga pala namin si Robi Domingo, live report ata di ko lng sure kung para saan.

Industrial Engineering ang aking kurso so syempre sa CEA o College of Engineering and Architechture ang aking mga klase.

mga sampung minuto din ang paglalakad mula Main papuntang CEA at tirik narin ang araw ng mga oras na ito.

Pagdating namin doon ay nakasarado pa ang classroom, mga isang oras at kalahati siguro kaming naghintay bago mabuksan ito. At mga 30 minuto pa ulet ang paghihintay sa pagdating ng professor namin sa General Chemistry 1. 

Ayos naman, introduction agad...mostly naituro na noong high school at basics pa lamang. Mayroon na agad groupings para sa Lab at so far gusto ko naman lahat ng kagrupo ko.

Nagkaroon din kami agad ng quiz at ayos naman ito. Drawing pero kayang kayan naman.

Pagkatapos ay break na mga 12 cguro ng tanghali ito, nagpunta kami ng main dahil sa tingin naman mas masarap pagkain dun. Doon kami sa may isang kainan sa may teresa napunta. 

Ang nakakainis lang eh sobrang tagal nilang mag serve andami ng taong umalis dahil dito, 1:30 ang next kong klase at sa sobrang asar namin ay aalis na kami ngunit sakto dumating na ung pagkain. AT SABI ko sa sarili ko hindi na ko muli kakain pa doon. as in. hindi rin naman kasi ganun kasarap. 

Nilakad muli namin pabalik sa CEA mga sampung minuto siguro ulit, pagdating namin doon ay sakto naman sa grand etrance dahil halos lahat ng ka blockmates ay andun na. hahaha

Humanities. Walang prof so ayun puro usap usap lng at elections. Hindi inaasahan ay dumating na ang thunderstorm.

ang malakas na ulan na may dala ng mga bwisit na kulog na ayaw na ayaw ko. 

CEA rm 210. walang prof at kulang sa electric fan peo marami namang upuan, idagdag mo pa ang biglaang pagkawala ng kuryente ngunit mabilisan rin namang bumalik. 

ang kinalabasan ay umalis narin kami agad. malakas ang ulan.

at pinagsisisihan kong umalis kami agad ng CEA. nun pala baha na sa kahabaan ng Anonas St. na patungong main.

Wala kaming masakyan peo may isang tricycle na nagsakay sa amin.

may nakasabay kaming mga Civil Engineering. kamalasan nga nman napasok ng baha ung tricycle. (P.S. Si Koyang Civil Engineering nakakatuwa, grabe ung sigaw sirena hahahaha)

ayun, nabasa kami sa maitim na tubig na puno ng basura, malamang galing ilog pasig.

Ayos naman? kung matatawag mo pang ayos un.

basang basa ung sapatos ko. haha

Nung pauwi na walang masakyan na papuntang cubao.

napakamalas nga naman dahil pagdating sa pila papuntang araneta napakahaba nito. sobrang nakakalito pa kamo. 

ISIPIN MO NA LAMANG ANG SANDAMAKMAK NA BASURANG NAIPON SA MGA DRAINAGE KAYAT BUMABAHA.

ISIPIN MO NA LAMANG ANG BULOK NA SISTEMA NG MGA PILA SA JEEP. BAKIT PA NAGKAROON NG PILA KUNG SANDAMAKMAK NAMAN ANG NANDADAYA AT SUMISINGIT NA LAMANG. NASA UNAHAN KA NA NG PILA AT MAY SUMINGIT AT NGINITIAN KA PA. 

ANG NASABI NA LAMANG NAMIN SA MGA NAKIKIPAGUNAHAN NA SUMINGIT LAMANG EH MAGINGAT NA LAMANG SILA SA PAGSAKAY SA JEEP EH KASI BA NMAN UMAANDAR PA ITO EH DINUDUMOG NA NILA.

IDAGDAG MO PA ANG MANAGEMENT NA ISANG BUILDING NA GALIT NA GALIT DAHIL NADUMIHAN NA DAW ANG TILES NILA. ANO BA NAMAN HO IYAN, TAG-ULAN NA PO MALAMANG MADUDUMIHAN TLAGA YANG TILES NIYO.

MGA PILIPINO NGA NAMAN OH. SADYANG GANITO NA NGA BA TALAGA TAYO? 

ISIPIN MO NA LANG DIN ANG MGA ROAD REBLOCKING NA HINDI NAPAGISIPAN NG MABUTI ANG SCHEDULE. BAKIT NILA GAGAWIN ITO NG ORAS NG PASUKAN HINDI BA DAPAT NOONG SUMMER NA ONTI LAMANG ANG MGA COMMUTER AT MGA SASAKYAN SA KALYE?

ANG MGA COMMUTER NA NASA GITNA NA NG KALSADA DAHIL SA SOBRANG GUSTONG MAKASAKAY NA NGUNIT PUNO ANG BAWAT JEEP.

NAKIKIPAGUNAHAN SILANG LAHAT, AT NAISIP NAMIN NA KUNG DI KAMI MAKIKIUNA MALAMANG HINDI NA KAMI MAKAKAALIS SA ARANETA LOL

PUNUANG JEEP. TRAPIK NA KALSADA. POLUSYON. MARAMING PROBLEMA. 

DAHIL SA ARAW NA ITO AKING NAPAG ISIP ISIP NA MALAYO PA NGA ANG KINAKAILANGAN NG ATING BANSA TUNGO SA KAUNLARAN.

Ngunit sa positibong side, ako'y nagsimula na ng kolehiyo. Sabik narin akong matuto ng marami at mag-aral ng mabuti. Mahirap man ang buhay estudyante at pagcocommute lahat ng pagod ay nawawala pag naiisip kong para ito sa aking kinabukasan. Alam kong kaya ko to! Tiwala lang, may plano si God at eto ang pinaka the best na plano niya para satin. Ohyes!

(peo grabe lng mental breakdown pagdating sa bahay, di ko kaya stress today peo kakayanin yan haha)

rant inspired by a lot of things and stuff. it's my first day and i don't like it but it will do. I'm doing this for the benefit of learning. and siguro puede na pang POL SCIE noh? shift na ba? hahaha dejoke.

Goodluck sa following days ko as College student. AJA!

xxx all the love
-K






No comments:

Post a Comment